Nanawagan kahapon ang Manila City government sa publiko na tumangkilik sa ‘Balik-Probinsiya Program’ na huwag munang magpunta sa Maynila kung wala pang kumpirmadong tiket upang maiwasang ma-stranded sa lungsod.

Sa isang live public broadcast, sinabi ni Mayor Isko Moreno na hindi na nila kayang kalingain ang daan-daang locally-stranded individuals (LSIs).

“I have to be honest with you. Hindi na po namin kayo kayang tanggapin dahil ako ay may obligasyon pa sa mga mamamayan sa lungsod na nahihirapan din. Nakokonsumo nyo na po ang aming maliit na kakayanan and it’s quite unfair to the people of Manila,” panawagan ng alkalde.

Sinabi niya na nitong nakalipas na araw ay libu-libong LSIs ang kinalinga ng lokal na pamahalaan at ang pinakahuling batch ay 200 katao na dinala sa Rizal Park, T.M. Kalaw at Pier area, na inakala ng social welfare department teams na mga streetdwellers o mga taong walang sariling tahanan.

Metro

High-grade marijuana, <b>nasabat ng pulisya matapos i-deliver sa fast food resto</b>

“Kung kayo ay mag-a-avail ng ‘’Balik Probinsiya Program, ’siguraduhin n’yo ang petsa, na ang tiket ay hawak n’yo na at importante na kayo ay mayroon nang health clearance bago kayo magpunta ng Maynila,” dagdag pa ng alkalde.

-Mary Ann Santiago