NAGPAHAYAG din ng kanilang pagkadismaya sa naging desisyon ng Franchise Committee ng Kamara sa pagsibak sa prangkisa ng ABS-CBN ang ilang sports personalities na direktang tinamaan sa naging desisyon.

Valdez

Valdez

Kabilang sa hindi nasiyahan sa pasiya ng House committee on legislative franchises ay sina Magnolia assistant coach Jason Webb, ABS-CBN sports broadcaster Gretchen Ho, at volleyball star Alyssa Valdez.

Sa botohang 70-11, ibinasura ng komite ang panukala na naglalayong bigyan ang ABS-CBN ng panibagong 25- year franchise para muling makabalik sa himpapawid.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Anila, ang kapasiyahang ito ng Kamara ay makapipinsala sa Philippine sports dahil ang UAAP at NCAA ay may broadcast partnerships sa TV network, at ang kanilang mga laro at aktibidad ay ineere sa ABS-CBN Sports and Action.

Ipinakita ng mga paaralan at mga koponan mula sa mga pangunahing collegiate leagues na UAAP at NCAA ang kanilang pakikiisa sa kanilang television coveror ABS-CBN matapos na ma-deny ang franchise renewal ng istasyon nitong Biyernes sa Kongreso.

Pagkatapos na tanggihan ng House of Representatives ang pagkakaloob sa itinuturing na pinakamalaking television network sa bansa ng bagong lisensiya para magpatuloy sa kanilang operasyon, nagpailaw ang De La Salle University sa kanilang Taft Avenue campus ng pula, berde at asul bilang pagsuporta at pakikisimpatya sa tv network.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ginawa ito ng La Salle.

Sa Intramuros,ganito rin ang ginawa ng Colegio de San Juan de Letran.

Kasunod nito, naglabas naman ang University of the Philippines’ College of Mass Communication ng kanilang statement bilang pagsuporta sa ABS CBN.

-Bert De Guzman