MAAARING maharap ang mundo sa ekonomikal, sosyal at politikal na krisis, kung mananatiling “flat-footed” ang mundo sa pagtugon nito sa pandemya, paalala ni New Zealand’s former prime minister Helen Clar, matapos itong italaga ng World Health Organization (WHO) na manguna sa pagsasagawa ng isang review hinggil sa tugon ng mundo sa COVID-19 pandemic.

Nitong Huwebes, inanunsiyo ng WHO na sina Clark at Liberia’s former president Ellen Johnson Sirleaf ang mamumuno sa isang panel na susuri sa nagiging tugon ng mundo sa pandemya.

Inilarawan ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus ang dalawang babae na “strong-minded, independent leaders”, na layong maitatag ang malayang pagtataya ng ahensiya at ang tugon ng mga pamahalaan sa COVID-19.

Huling bahagi ng 2019 nang magkaroon ng COVID-19 outbreak sa China na nakahawa na ng higit 12.16 milyong tao sa mundo at ikinamatay ng higit 550,242, base sa tally ng Reuters.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Inaakusahan ng United States ang China ng hindi pagiging bukas sa mundo sa unang yugto ng outbreak. Itinanggi naman ito ng Beijing at mahigpit na tinutulan ang isang pagsisiyasat tungkol dito, na tinawag na U.S-led propaganda laban sa China.

Matapos tanggapin ang tungkulin, inilarawan ni Clark ang bagong trabaho bilang “exceptionally challenging”.

Sa isang panayam nitong Biyernes, sinabi ni Clark na ito na ang ikaanim sa loob ng 17 taon na nagdeklara ang WHO ng public health emergency.

“This is going to happen again. If the world is as flat-footed in response as it has been to this we are in serious ongoing economic, social, political crisis,” pagbabahahi ni Clark sa TVNZ.

Aniya, magkakaroon ng maraming konsultasyon hinggil sa pagtatalaga ng mga panel members.

“But there’s also a very real job to do, which is to look at how the WHO has been able to lead. Does it have the right mechanisms? What actually happened here? And there’s a lot of politics in that,”paliwanag niya.

Isa ang New Zealand sa iilang bansa na nagawang malabanan ang virus, kung saan wala nang naitatalang kaso ng community transmission sa South Pacific island nation, at nakabalik na ang ekonomiya sa pre-pandemic normalcy.

Pinuri ni Clark ang naging tugon ng New Zealand sa COVID-19.

Si Clark na naging lider ng New Zealand mula 1999 hanggang 2008, ay nabigo apat na taon na ang nakararaan kay Antonio Guterres para pamunuan ang United Nations. Dati niyang pinamumunuan ang U.N. Development Programme at nagsilbing WHO panel on childhood obesity.