PRIORIDAD ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagsasanay ng mga Tokyo Olympic-bound athletes, gayundin ang mga atletang nakataksa pang sumabak sa Olympic Qualifying meet sa susunod na taon.
Ito ang iginiit ng PSC sa muling pakikipagpulong sa Technical Working Group ng Inter-Agency Task Force (IATF) nitong Huwebes kung saan inilatag ng ahensiya ang health protocol programs na nakapaloob sa Joint Administrative Order (JAO) na ipinasa ng PSC, Games and Amusement Board (GAB) at Department of Health (DOH) Guidelines on the Conduct of Health- Enhancing Physical Activities and Sports.
Kabilang sa nagbigay ng kanilang pahayag sa zoom meeting sina PSC Officer-in-Charge Ramon Fernandez, PSC National Training Director Marc Velasco, GAB Chairman Baham Mitra, ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang semi-pro leagues, at sports organization at collegiate leagues.
Iginiit ng PSC ang pagnanis na payagan na magsimulang mag-training ang mga atletang sasabak sa 2021 Tokyo Olympics, gayundin yaong mga lalaban sa qualifying meet.
“We are working towards the approval of the training of our national athletes who have earned their slots in the Games. We are hoping it gets the go-signal from the Inter-Agency Task Force (IATF) first,” pahayag ni Fernandez.
“The PSC discussed this with the POC (Philippine Olympic Committee). We still have to sit down with the PPC (Philippine Paralympic Committee). The POC will determine through their NSAs (National Sports Associations) who are coming for the Olympic slots and they will be the ones to return first or if possible, we can have them in a bubble,” pahayag naman ni Velasco.
Ang PSC ay nakikipag-ugnayan sa POC, NSAs, at nasa guidance ng PSC Medical Scientific Athlete Services (MSAS), sa pamumuno si Dr. Randy Molo.
Sa mga naunang pakikipagpulong, inaprubahan ng IATF ang pagbabalik ng leisure sports na walking, running, cycling, swimming at iba pang non-contact sports, habang sa professional level, pinayagan na rin ang horseracing at boxing sa mag pinababang antas ng community quarantine, habang ang PBA at Philippine Football League ay may limitadong bilang ng players sa kanilang pagsasanay, ngunit hindi pa rin pinapayagan ang scrimmage at actual na laro.
-ANNIE ABAD