SA GMA 7 nagtatrabaho si Jennylyn Mercado at loyalistang Kapuso talaga siya, pero nasubukan na rin niyang gumawa ng pelikula sa Star Cinema, ang movie outfit ng ABS-CBN at maski paano ay naramdaman din siguro ng aktres kung paano siya trinato bilang Kapamilya ng mga naka-trabaho niyang staff and crew.

jen

Suportado ni Jennylyn ang ABS-CBN simula sa unang araw ng pandinig ng prangkisa nito sa Kamara.

At nitong Biyernes, Hulyo 10 ang pinakamalungkot at hindi malilimutang araw ng Kapamilya artists kasama pa ang mahigit 11k na empleyado ng network ng hindi pinayagan ng Kongreso na muling i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN para muling mapanood sila sa telebisyon.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

May ilang natutuwa sa nangyaring ito sa ABS-CBN kaya naman pinalagan ito ni Jennylyn.

Ang post ng aktres sa kanyang FB account nitong Biyernes pagkatapos ibaba ang hatol na 70-11-2-1.

“Sa mga lumuha at nawalan, our prayers and hearts are with you.

“Sa mga taong tuwang-tuwa sa mga pangyayari, huwag niyo sana danasin ang lumuha din at mawalan.

“Hindi ba na tinuruan tayo ng ating mga magulang na maging makatao sa kapwa? Rejoicing because of other people’s sorrow is not only wrong, but inhumane. You are cruel!”

Sinilip din ni Jennylyn ang ilang mga taga-gobyernong may nilabag sa batas na hindi niya pinangalanan.

Aniya, “Ang daling sabihin para sa inyo na “Law is Law” pero ang mga pulitiko o may kapangyarihan na lumabag nito ay hindi naman nakaranas ng parusa para sa batas na nilabag nila.

“If you say that then everyone should be held at the same standard. Huwag muna tayo mag Mananita.”

Maging ang reaksyon ni Senator Bato Dela Rosa tungkol sa mga mawawalan ng trabaho sa ABS-CBN dahil hindi sila na-renew ay pinayuhang maghanap ng ibang trabaho at diretsahang sinabing hindi siya apektado dahil hindi naman siya taga-Kapamilya at higit sa lahat, may ibang network naman na puwede niyang panooran.

Hindi ito nagustuhan ni Jennylyn.

“Ang importante ngayon ang mga taong nawalan ng trabaho lalo na at pandemya.

“Ang daling sabihin na okay lang sa inyo kasi sa tingin ninyo ay hindi kayo naapektuhan.

“Pero sana kahit saglit ay ilagay ninyo ang sarili sa posisyon nila. Huwag kayo maging manhid sa hirap na nararanasan ng iba.

“Will pray for everyone to be enlightened and to remember the values that make us human...

“Please be kind to one another. Thank you.”

Nabanggit ding hindi lang mga direktang empleyado ng Kapamilya network ang nawalan ng pagkakakitaan.

“Yung sa tingin mo ang mga taga-ABS (CBN) lang ang apektado, paano ang mga tao na kumikita indirectly sa Network?

“Caterers sa set, drivers, equipment rental houses at mga empleyado nila, mga cameraman at tech team, talent managers, mga assistant ng mga artista, talent suppliers, mga talents o bit players, freelance production designers, freelance writers, ang mga may-ari ng mga restaurants na malapit sa ABS, ang mga tauhanan nito, at madami pang iba.

“Libo libong tao ang nawalan din ng trabaho. Lahat ay naapektuhan at maapektuhan.

“Paano na sila?

Maraming bumatikos sa pahayag na ito ni Jennylyn, pero mas marami ang nagkagusto sa pag suporta niya sa ABS-CBN.

Umani ng 4.1k shares, 7.7k komento at 55k na reaksyon ng mga nakabasa ng post na ito ng aktres.

-REGGEE BONOAN