HINDI makatutulong ang mas mainit na panahon para mapabagal ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa mga eksperto.

“If you maintain social distance and wear a mask, the infection rate of the disease may decrease, but the temperature alone does not work,” pahayag ni Recep Tekin, eksperto sa infectious diseases and clinical microbiology ng Dicle University sa southeastern Turkey.

Bilang pagtukoy sa mainit na klima ng Meditterranean sa katimugang Turkey, binigyang-diin ni Tekin na tumaas pa rin ang bilang ng naitatalang kaso kamakailan sa kabila ng mataas na temperatura.

“If high temperatures had stemmed the virus completely, we should not have seen cases in Saudi Arabia or Africa,” aniya.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Dahil sa inaasahang mas magiging mainit pa ang mga susunod na linggo, pinaalalahanan niya ang mga tao na huwag umasa dito, at sa halip ay matutong magsuot ng mask, sundin ang social distancing, at ugaliin ang hand hygiene, anuman ang temperatura.

Sa huling tala nitong Miyerkules, nakapagtalam ang Turkey ng kabuuang 5,282 pagkamatay dulot COVID-19, habang higit 187,511 naman ang naka-recover mula sa sakit.

Kasalukuyang may mahigit 208,938 kumpirmadong kaso sa bansa.

Mula ng kumalat ang sakit na nagmula sa Wuhan, China noong Disyembre, higit 551,000 na ang namatay sa 188 bansa at rehiyon.

Nasa mahigit 12.1 milyon namang kaso ang napaulat sa buong mundo, habag mahigit 6.65 milyong tao ang naka-recover, base ito sa tala ng US-based Johns Hopkins University.