TUNAY na mahirap makapasok ang virus sa taong may malakas na pangangatawan.

Ibinalita ng Philippine Sports Commission (PSC) na pawang nagnegatibo sa coronavirus ang 200 atleta at empleyado na nagsilbing fronliners ng ahensiya sa nakalipas na tatlong buwan ng community quarantine sa bansa.

“We are thankful to the Lord that the PSC community is free from COVID- 19. We hope and pray it stays that way,” pahayag ni PSC Officer-in-Charge Ramon Fernandez na kasama din sa dumaan sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.

Nagsagawa ang PSC ng RT-PCR test para sa lahat ng bumubuo ng PSC skeletal workforce kasama ang ilang miyembro ng mga national team na kabilang sa nagbantay sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) at Ninoy Aquino Stadium sa Manila at sa PhilSports Complex sa Pasig City na pawang ginawang quarantine facilities para sa COVID-19 patient.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“We are proud to say that both PSC complexes, which is under a high-risk area since we have venues housing COVID-19 patients, can be declared COVID-19 free. We conducted the test to give the confidence back to the regular workforce, occupants, athletes, and coaches who frequently go to PhilSports and RMSC.” ayon naman kay Dr. Randolph Molo, Head ng PSC Medical Scientific Athletes Services (PSC-MSAS) Unit.

“We opted for the RT-PCR/swab test over any form of rapid testing since this test is more reliable and reflective on one’s COVID- 19 status. As of Wednesday, July 8, we can declare that all of the 200 persons who underwent testing are all clear/negative from the Coronavirus. This should help restore the confidence and ease the fears of our staff as we continue to keep PSC COVID- 19 free.” Aniya.

Kasunod ng nasabing RT-PCR testing, nagpatupad naman ang PSC ng karagdagang seguridad sa pamamagitan ng pag-uutos sa mga empleyado na isumite ang Health Declaration Form na kanilang makukuha sa PSC website.

Mahigpit din na ipinatupad ng PSC ang mga health security protocols alinsunod na rin sa payo ng Department of Health at ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa lahat ng kanilang mga nasasakupan upang mapanatiling COVID-free ang komunidad ng sports.

-Annie Abad