NAGTATAKA si Batangas 6th District Representative Vilma Santos-Recto kung bakit ang konti ng nakuhang boto ng ABS-CBN para sa renewal of franchise nito at tuluyang ipasara.

vilma

Umabot sa 70-11 ang bumoto na ayon nga sa termino ay, ‘laid on the table or killed’ ang franchise application ng ABS-CBN.

Isa si Congresswoman Vilma sa 11 na bumoto sa committee level na payagang ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Aniya, “Alam niyo sa totoo lang, pareho ninyo, ako’y nagulat, “Kasi initially, maski sa mga pagdinig, alam ko kahit paano, maraming sumusuporta sa bill na ito na inilalaban namin.

“Biglang, bakit kami kumonti ng ganito na lang? Very significant naman na bigla na lang kami naging 11. May mga ganyang palakad na kung minsan ay hindi natin basta matatanong o makikuwestiyon. Maski ako, hanggang ngayon, hindi ko ma-absorb, nahihirapan ako,” pahayag ni Congw Vilma.

“Kaya tayo naninindigan nakita naman po natin na ‘yung mga iniisyu na violations, napatunayan din naman po ng national agencies na wala naman po talagang nalabag.

“Kung meron mang mga administratibong pagkukulang, ito naman po ay nako-correct. Meron naman po tayong proseso sa batas. Ang point ko, not to the extent na magsasara.

“Sabi nila, ginagawang shield iyong 11,000 employees. Let’s face the truth, more than 11,000 ang mawawalan na naman ng trabaho. With the present situation na hinaharap natin ngayon, ang dagok ng pandemyang COVID-19.

“I truly believe. I’m still very optimistic, we can re-file. Puwede naman po ‘yan later on. Sabi ko nga, hindi dito magsasara ‘yan.”

-Reggee Bonoan