INANUNSIYO ng Vatican News nitong Miyerkoles ang pagkatalaga ng mga bagong miyembro ng Pontifical Council for Inter-religious Dialogue (PCID) sa pangunguna ni Cardinal Luis Antonio Tagle ng Pilipinas, na ngayon ay prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples, at ni Cardinal Michael Czerny ng Canada, undersecretary ng Migrants and Refugees Section of the Dicastery for Promoting Integral Human Development.
Nagtalaga rin ang Santo Papa ng mga bagong miyembro ng Pontifical Council cardinals mula Central African Republic, Laos, Indonesia, at Luxembourg, kasama ang mga Obispo at arsobispo mula Ukraine, India, Albania, Myanmar, France, Japan, Taiwan, India, Italy, Australia, Israel, Poland, England, United States, Algeria, at Vietnam.
Disyembre ng nakaraang taon, itinalaga ng Santo Papa si Cardinal tagle, para pamunuan ang 400 taon nang Congregation for the Evangelization of Peoples. Ipinapalagay itong repleksyon ng kagustuhan ng Santo Papa para sa isang missionary church at higit pang mapalapit sa Asya, kung saan naninirahan ang nasa higit 66 na porsiyento ng populasyon sa mundo.
Ang PCID kung saan siya ngayon nakatalaga ay ang sentrong opisina ng Simbahang Katoliko para sa pagsusulong ng religious dialogue, na nakaangkla sa diwa ng Second Vatican Council noong 1962-65 na pinanawagan ni Pope John John XXIII. Pangunahing layunin ng PCID na maisulong ang pagkakaunawaan, respeto, at kolaborasyon sa pagitan ng mga Katoliko at mga tagasunod ng iba pang relihiyon.
Pinuri ni retired Cagayan de Oro Archbishop Antonio, dating pinuno ng CatholicBishops Conference of the Philippines (CBCP), ang pagkakatalaga sa PCID Ledesma ni Cardinal Tagle. “Cardinal Tagle comes from Asia, birthplace of the world religions, and the Philippines is practically the only majority Christian country in Asia,” aniya. Ang kanyang pagkatalaga sa konseho, dagdag nito , “sends a message to us for the New Evangelization.”
May kaugnayan ang bagong pagtatalaga ng Santo Papa sa PDIC sa
Second Vatican Council’s Declaration on the Relation of the Church with Non-Christian Religions -- Nostra Aetate.
Ang bagong pagkatalaga sa pangunguna ng ating Cardinal Tagle, ay malinaw na naglalarawan sa malaking ekspektasyon ng Santo Papa para sa tungkulin ng Simbahan sa Pilipinas – partikular kay Cardenal Tagle—na higit pang mapalapit ang Simbahan sa mundo, partikular sa Asya.