Dead on the spot ang isang alkalde ng South Cotabato nang pagbabarilin ng riding in-tandem sa Sto. Niño sa nasabing lalawigan, kahapon ng umaga.

Kinilala ni South Cotabato Police Provincila director Col. Jemuel Siason ang biktima na si Sto. Niño Mayor Pablo Matinong, Jr., na binawian ng buhay dahil sa mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Binanggit ng pulisya, bago maganap ang insidente ay binibista lamang ni Matinong ang infrastructure project nito sa Purpk Libertad, Bgy. Poblacion, nang pagbabaril ng dalawang nakamotorsiklo, dakong 7:55 ng umaga.

Isinugod ang biktima sa Doctor Luntao Clinic and Hospital ngunit namatay din ito.

Probinsya

Binatilyong hiniwalayan umano ng jowa, nagpatiwakal!

Matapos ang insidente, agad na tumakas ang dalawang suspek patungo sa hindi mabatid na direksyon.

Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang kaso.

-Fer Taboy