Hiniling ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos sa Sangguniang Panlungsod ang pansamantalang pagsuspinde sa ordinansang nagbabawal sa riding in-tandem sa lungsod.

Bilang tugon na rin ito sa muling pagpayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Dieases (IATF) na payagan na ang pag-aangkas ng mga mag-asawa sa mga pribadong motorsiklo.

Matatandaang umiiral sa lungsod ang riding in-tandem ordinance na nagbabawal sa pag-angkas sa motorsiklo, na ang layunin ay masugpo ang mga krimen na gawa ng riding-in-tandem.

Nagpasya naman si Abalos na ipatigil muna ang implementasyon ng ordinansa upang mabigyan ng alternatibong masasakyan ang publiko.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“Nakikiisa kami sa pamahalaan sa layunin nitong makapagbigay sa publiko ng maraming opsiyon pangbiyahe papunta sa kani-kanilang trabaho kaya hiniling ko na sa ating Sangguniang Panlungsod ang pansamantalang suspensyon ng ating Riding-in-Tandem Ordinance sa sandaling maglabas na ang IATF at DOTr ng written guidelines para sa back-riding,” ani Abalos.

Matatandaang nang magpatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) ang pamahalaan ay pansamantalang ipinagbawal ang pag-aangkas sa motorsiklo bilang bahagi ng pag-iingat sa posibleng magkahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

-Mary Ann Santiago