Pansamantala munang isasara ng isang linggo ang main at annex building ng Quezon City Hall of Justice matapos matuklasang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang apat na tauhan nito.

Ito ang naging kautusan ni Mayor Joy Belmonte kahapon.

Binanggit ng alkalde, tatagal ng pitong araw ang kanyang kautusan kung saan isasagawa ang kaukulang testing at containment measures ng epidemiology and surveillance unit ng lungsod.

Nilinaw ni Belmonte, sinulatan na niya ang executive judges ng regional at metropolitan trial court ng lungsod kaugnay ng naging desisyon nito.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Pagdidiin pa nito, hindi lamang ito ang unang isinara ang hall of justice dahil noong Mayo ay isinagawa na rin ito kasunod ng pagkamatay ng isang empleyado na nahawaan ng COVID-19.

-Joseph Pedrajas