Tila nagtatagumpay ang COVID-19 pandemic sa pagpapaluwag sa problema na matagal nang pinapasan ng ating prison system sa Pilipinas – ang pagsisiksikan ng libu-libo sa mga kulungan na halos hindi na makaunat ang mga bilanggo sa kanilang pagtulog.
Lumutang ang mga litrato ng mga preso na nakahubad pang-itaas at nakahiga sa mga hagdanan sa mga banyagang
lathalain nitong Abril. Ito ay sa mga panahon ng unang bahagi ng pagsulpot ng pandemya at ang mga kondisyon sa bilangguan ay malinaw na paglabag sa social distancing protocols ng World Health Organization, na ipinatupad ng gobyerno ng Pilipinasa.
Ang Pilipinas aybmayroong halos isanlibong national, city, district, provincial, at municipal jails at marami sa mga ito ay hindi nakaabot sa minimum standards na itinakda ng United Nations para sa pagkain at living conditions. Mahigit three-quarters ng mga bilanggo ang may mga kaso na nasa pre-trial stage, ayon sa World Prison Population List of the Institute for Crime and Justice Policy Research sa University of London.
Marami sa ating mga sariling opisyal ay matagal nang alam ang problema. Inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang Bureau of Corrections at ng Board of Pardons para pabilisin ang pagpapalaya sa mga may sakit at matatandang preso. Sa Kongreso, ipinanukala ng House Committee on Justice ang temporaryong pagpapalaya sa matatandang preso, mga may sakit at first-time offenders.
Naglabas na ang Supreme Court ng mga gabay na naglalayong mapaluwag ang mga bilangguan sa panahon ng coronavirus pandemic sa pamamagitan ng pagpapalaya sa mga nakapagsilbi na ng minimum period ng kanilang sentensiya, sa ng mga pagdinig na isinagawa sa pamamagitan ng video conferencing. Mula Marso 17 hanggang Hulyo 3, kabubuang 43,171 bilanggo sa buong bansa ang iniulat na napalaya – karamihan sa kanila ay mula sa mga kulungan sa Metro Manila (8,909), Southern Luzon (7,443), Central Luzon (6,203), at Central Visayas (4,528).
Naglabas ang mataas na korte ng guidelines sa pagpapalaya ng indigent prisoners sa pamamagitan ng reduced bail. Inaprubahan ng Department of Justice ang rules para paluwagin ang requirements sa parole at executive clemency. Isang grupo ng political prisoners ang naghain din ng petition for their temporary release sa humanitarian grounds.
Ang problema ng ating overcrowded na mga kulungan ay dapat na matugunan sa pamamagitan ng pagtatag ng mas maraming detention facilities at bibilisan ng institution of reforms ang mga proseso sa police at justice systems. Ito dapat ang basic at long-range solution sa lumang problema na ito.
Ngunit natutuwa tayo na ilang aksiyon na ang isinasagawa para mapaluwag ang mga kulungan sa ating bansa upang maabot ang socio-distancing protocol na nasa sentro ng mga pagsisikap ng gobyerno na mapanatiling mababa ang mga kaso ng COVID-19, kasama ang paggamit ng face masks at palaging paghugas ng kamay at paggamit ng alkohol para patayin ang virus.