Iminungkahi ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na hindi isama sa coverage ang mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil na rin sa kapabayaan ng mga ito.
Sinabi ng kongresista, hindi sana mahahawa ang mga ito kung sumunod lamang sana sila sa safety at health protocols ng
Department of Health (DOH).
Nagulat aniya ito dahil sa dami nang nagtutungo sa shopping malls na hindi sumusunod sa social distancing sapul nang isailalim ang maraming bahagi ng bansa, kabilang ang Metro Manila, sa General Community Quarantine o GCQ.
Ang mga pasyente aniya na tinamaan ng virus dahil sa pagiging iresponsable ay dapat na alisin sa PhilHealth coverage.
“Nagulat talaga ako dahil parang wala na ‘yung COVID-19 nang makita ko sa telebisyon ang mga tao sa malls. Napakaraming pasaway,” pahayag pa nito.
-Bert de Guzman