GEN. NATIVIDAD, Nueva Ecija – Patay ang isang 44-anyos na magsasaka matapos umanong aksidenteng makuryente habang nangingisda gamit ang kanyang portable fishing gadget sa nasabing bayan, kamakailan.
Dead on the spot si George Walian, 44, may-asawa, taga- Purok
Bliss, Bgy. Belen sa nasabing bayan, nang madiskubre ng kapwa magsasakang si Hilario Nuñez na nakasubsob habang hawak ang gamit sa pangingisda.
May teorya ang pulisya, posibleng aksidente naidikit ni Walian ang dulo ng kawad ng fishing gadget nito na nagresulta sa pagkakuryente nito.
-Light A. Nolasco