Matapos ang 12 araw na pagdinig, ibinasura na ng Kamara ang kahilingan ng ABS-CBN Corporation na mabigyan ito ng prangkisa para sa pagpapatuloy sana ng kanilang operasyon, kahapon.

Aabot sa 70 kongresistang miyembro ng House Committee on Legislative Franchise ang nanindigang maibasura ang apela ng nasabing kumpanya na mabigyan sila ng prangkisa habang 11 pang mambabatas ang humihiling na mabigyan pa ng congressional license to operate ang nasabing broadcast network.

Isa naman sa miyembro ng komite ang nag-abstain habang dalawa pa ang nagpasyang mag-inhibit sa botohan.

Matatandaang natapos ang 25 taong prangkisa ng ABS-CBN noong Mayo 5 kasabay ng paghinto ng operasyon ng kumpanya.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

-Ben Rosario