SINO pa bang magtutulungan sa panahon ng krisis kapag nasa ibang bayan? Dapat lang na kapit-bisig ang magka-kababayang Pinoy.
Bunsod ng outbreak ng pandemyang coronavirus na nanalasa sa mundo kabilang na ang Pilipinas at ang Kingdom of Saudi Arabia sa Gitnang Silangang Asia kung saan may ay napakalaking bilang ng Overseas Filipino Workers (OFW’s).
Dahil sa Covid-scare ay maraming kumpanya ang tumigil at ang iba ay napilitang magsara kung kaya naapektuhang lubha ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa gulf state kung saan ang iba ay nagdesisyong umuwi sa Pilipinas habang marami ang di tiyak ang kapalaran sa lupain ng mga Arabo at naghihintay ng saklolo mula sa gobyerno dahil mas prayoridad ng Saudi government ang kapakanan ng kanilang mamamayan.
Sa ganitong sitwasyon may mga lumalabas na bayani ng panahon kahit na di nila ipamalita at ipangalandakan ang kanilang pagtulong at kabayanihan sa kababayan.
Si Robingen Bernardo Padiz, kilala rin sa taguring Gen Bernardo sa facebook na dating national athlete, national coach ng Pilipinas sa larangan ng gymnastics ang isa sa maituturing na hero ng pandemya para sa kababayan nating Pilipino sa Saudi.
Ipinagpasalamat ni Padiz, isa ring big bike at billiard enthusiast, ang malusog napangangatawan kung kaya sa kanyang abang kakayahan ay itinutulong niya ang bahagi ng kanyang blessings sa mga apektadong kababayang nahirapan sa Saudi. Katuwang niya ang ilan sa mga sumisimpatyang Pinoy na kaibigan at mga magulang ng mga banyagang kanyang tinuturuan.
“Isa siyang bayani sa panahon ng pandemya sa aming labis na nahirapan dito sa Saudi at di matatawaran ang kabutihan at taos pusong pagtulong niya sa mga kapwa Pilipinong apektado ng krisis pang-mundo. His generosity reflects the true heart of a Filipino philanthropist,” patotoo ng mga nabiyayaan ng kanyang ayuda na ipinaabot sa kanyang kapatid na nasa Pilipinas na si Solomon Padiz Sr., na Member na International Sepaktakraw Federation na dati ring national team player.
Magkatulad sila ni Robingen Padiz na Educators, Businessmen, Sportsmen at generous persons.
Ang iba pang produkto ng sports sa kaniyang pamilya ay ang kanilang namayapang patriarko na alamat, founder at Ama ng Sepak Takraw sa bansa na si Maestro Servillano Padiz at ang anak naman ni Solomon Sr. na si Monchie Padiz na miyembro ng national men’s badminton team ng Pilipinas sa kasalukuyan.