Positibo ang naging reaksyon ng Department of Tourism (DOT) sa muling pagkakahirang ng Palawan bilang ‘Best Island in the World’.

Ipinahayag ni DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, mahalaga ang nakamit na pagkilala ng Palawan dahil pinagbotohan ito ng mga nagbabasa ng sikat na magazine na Travel + Leisure.

Kamakailan lang ay tiniyak ni Puyat ang kahandaan ng four-time winner na muling tumanggap ng mga bakasyunista sa gitna ng pandemya.

Iginiit din ng kalihim na nagbunga ang rehabilitation at sustainable development efforts ng pamahalaan noong nakaraang taon, lalo na sa Coron at El Nido na patok sa mga turista.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Bukod sa Palawan, kinilala rin ang Boracay bilang ika-14 sa Best Island in the World award ng T+L at panlima sa buong Asya.

-Beth Camia