DUBAI (AFP) - Muling nasa bingit ng gutom ang war-torn Yemen sa pagkaubos ng donor funds matapos maiwasan ang catastrophe may 18 buwan pa lamang ang nakakalipas, sinabi ng UN humanitarian coordinator ng bansa sa AFP.
Sa halos buong bansa na nakaasa sa aid, hindi nasisiyasat ang nananalasang coronavirus pandemic, at hindi mabilang na mga bata ang nahaharap na sa pagkagutom, sinabi ni Lise Grande na milyun-milyong mahihinang pamilya ang maaaring mabilis na malipat “from being able to hold on to being in free fall.”
Nakalikom ang United Nations ng halos kalahati lamang ng kinakailangang $2.41 bilyon tulong para sa Yemen sa June donor conference na co-hosted ng Saudi Arabia.
Ang Yemen ay dumaranas na ng tinatawag ng UN na world’s worst humanitarian crisis, na may libu-libong namamatay, at tinatayang apat na milyon ang itinaboy ng digmaan at 80 porsiyento ng 29 milyong mamamayan ng bansa ay nakaasa sa tulong para sa kanilang ikabubuhay.