ANG pagbabalik ng jeepney, na tinaguriang “hari ng kalsada” ang nagbigay ng sagot hinggil sa trapik sa metro. Ang parsiyal na pagpapahintulot na ito ay nagbibigay ng dahilan sa pamahalaan upang tugunan ang isyu hinggil sa malaking bilang ng mga jeepney.
Bago tayo magreklamo kung bakit muling pinayagan ang mga jeep sa lansangan, tingnan muna natin ang ilang mga isyu na dapat tugunan ng ahensiya ng transportasyon.
Una, kailangang bumuo ng DoTr ng kautusan na nagbabawal, mula 2022, ng pagbiyahe ng anumang uri ng pampublikong transportasyon na may surplus engine. Ang paglabag sa panuntunang ito ay katumbas ng non-registration.
Ikalawa, upang matukoy ang tunay na petsa kung kailan binuo ang makina, kailangang magkaroon ng record ang ahensiya ng manufacture date, hindi ang pagpasok ng makina sa bansa.
Ikatlo, dapat na sumasalang sa rehistrasyon ang mga sasakyan kada dalawang taon upang masiguro na ang LAHAT ng pampublikong transportasyon ay dumaan sa aktuwal na physical inspection. Ang pagpapahintulot sa mga bus company manager na dalhin na lamang ang mga dokumento sa ahensiya para sa rehistrasyon ay nagpapahintulot lamang sa panunuhol.
Ikaapat, dapat lumikha ang DoTr at subsudaries nito ng kautusan o palawakin ang dati nang batas sa transportasyon upang masiguro na ang paggamit ng numero ng plaka para sa dalawa o higit pang pampublikong sasakyan ay awtomatikong nangangahulugan ng pagbawi sa operasyon nito, indibiduwal man o kumpanya.
Ikalima, ang pagbabalit ng stasis at makina ay mahigpit dapat na iniuulat sa mga awtoridad na namamahala, anuman ang kondisyon hindi na dapat itong magamit o i-recycle para sa anumang sasakyan.
Ikaanim, kailangang magpatupad ang mga ahensiyang namamahala ng mahigit na “non-registration of public vehicles beyond their productivity.” Samakatuwid, hindi na maaaring i-renew lampas sa sampung taon ang isang pampublikong sasakyan.
Ikapito, ang mga pampublikong sasakyan na isinalin sa pribadong paggamit sa loob ng sam-pung taon ng unang rehistrasyon ay hindi dapat pang payagang mag-renew ng higit sa 10-taon. Maaari itong ikonsiderang public conveyances depende sa tagal paggamit dito.
Ikawalo, bawat rehiyon ay dapat magkaroon ng mga junk yard na pagmamay-ari ng pamahalaan kung saan maaaring sirain ang mga abandonado at non-registered na mga sasakyan. Makababawas ito sa pagre-recycle ng mga surplus, paggamit ng mga second-hand parts mula sa mga nakaw na sasakyan, at pagdami ng mga negosyo na nagbebenta ng mga surplus vehicle parts.
Ikasiyam, dapat maging polisiya ng land transport agency na ang mga sasakyang ibinenta sa iba ay maaaring irehistro ng bagong may-ari sa pinakamalapit na LTO office.
At huli, dapat maging mandato sa mga bagong rehistrong sasakyan, pampubliko man o pri-bado, na magkaroon ng espasyong paradahan, ito man ay pag-aari, nirerentahan o gigamit ng may pahintulot, na kailangang inspeksyunin at isailalim sa mahigpit na regulasyon na ang paggamit nila ng pampublikong kalsada bilang paradahan ay maaaring magresulta sa malaking multa.
-Johnny Dayang