Patuloy ang coronavirus sa bansa ngunit kinailangang luwagan ng gobyerno ang quarantine measures, sinabi ni presidential spokesman Harry Roque nitong linggo. âI donât think we have other alternatives but to open the economy,â aniya. âIf we donât open the economy, we might die not because of the virus but because we have no livelihood.â
Halos apat na buwan na ngayon simula nang ipag-utos ni President Duterte ang lockdown sa Metro Manila at sa iba pang lugar sa Luzon, kasabay ang state of calamity sa buong bansa, sa pagsisikap na mapigilan ang mabilis kumalat na COVID-19. Sinabihan ang mga tao na manatili sa loob ng bahay para protektahan ang kanilang mga sarili laban sa virus.
Isinara ng lockdown â isang Enhanced Community Quarantine (ECQ), kalaunan ay niluwagan sa General Community Quarantine (GCQ) , at mas pinaluwag pa sa Modified GCQ (MGCQ) -- ang halos karamihan ng mga negosyo at opisina. Unti-unti na ito ngayong binubuksan gayundin ang pagpapabalik sa public transportation upang makabalik sa trabaho ang mga tao.
Inamin mismo ng World Health Organization (WHO) ang problema sa ekonomiya na bunga ng virus lockdowns. Nitong nakaraang linggo, sinabi ni WHO Emergencies Director Michael Ryan said na habang âtoo many countries are ignoring the ballooning cases of deaths and infections,â lalo na ang United States at sa South America, âthere are good economic reasons that the countries need to bring their economies back on line.â
Ngunit, sa halip na ilagay ang buong bansa sa lockdown, isinuhestyon niya na panatilihin ang mga istriktong hakbang sa mga lokal na lugar kung saan hindi makontrol ang pagkalat ng virus, ngunit luwagan ang mga ito sa mga lugar na mababa ang transmission rates. Sa lahat ng mga kasi, sinabi niya, kailangang panatilihin ang physical distancing, hand-washing, testing, isolating cases, at contact tracing.
Maaari nating ipatupad ang suhestyong ito na himayin ang problema dito sa Metro Manila. Sa rehiyon ng 16 na lokal na lungsod at isang bayan, ang ilang lokal na pamahalaan ay naging mas matagumpay kaysa sa iba sa pagpapanatiling mababa ang mga kaso coronavirus. Hindi nila kailangang sumama sa iba na may mataas na antas ng mga impeksyon.
Dapat ding isaalang-alang ang mga bagong tuklas tungkol sa paraan ng pagkalat ng COVID-19. Maaaring epektibo ang physical distancing sa open-air crowds, sa gyms, at sa bars, ngunit natuklasan sa isang pag-aaral na ang hangin na malakas na bumubuga mula sa isang air-conditioning unit sa isang maliit na restaurant ay maaari ring magdala ng virus.
Nitong Martes, ibinunyag ng Department of Health na patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng coronavirus sa bansa, ngunit kakaunti na lamang ang namamatay. Bumaba na ang bilang ng mga namamatay sa 2.9 porsiyento, mula sa dating 10 porsiyento, sinabi ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Iniulat din niya ang clustering of cases sa 314 na barangay Metro Manila at sa 54 na barangay sa Cebu City. Maaari na natin ngayon sundin ang suhestyon ng WHO tungkol sa paghimay sa problema at pagpapanatili ng mga paghihigpit sa mga barangay na ito at payagan ang iba pang mga lugar na mas mabilis na magbalik sa normal.
Ang lahat ng tuklas na ito, aniya, ay dapat na magtulak sa mga tao na lalong maging maingat. Dahil totoo na sa dulo ang mga tao mismo ang higit na responsable para sa kanilang mga kaligtasan.