Trending ang paghingi ng tulong ng personal assistant (PA) ni Janella Salvador na si Michelle Pelongco kay Raffy Tulfo sa programa nitong Wanted sa Radyo 5 na napapakinggan sa 92.3 News FMat napanood din sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel nitong Martes ng gabi.

janella

Binanggit ng PAna pinaalis siya ng aktres at hindi ibinigay ang kulang na P3,600 sa siyam na araw nitong serbisyo.

Pinaalis daw ni Janella ang PAniya nang humingi itobng dagdag na sahod dahil maliit ang tinatanggap nitong P8,000 kasa buwan.

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, nagkaroon ng relasyon kay Paolo Contis?

Pinagsalitaan pa raw ng aktres ang PAniya ng hindi maganda, bagay na labis na ikinasakit diumano ng damdamin nito kaya humingi siya ng tulong kay Idol Raffy.

Tinawagan naman ng radio host si Janella pero nagpasabi na lang ang aktres na aayusin niya ang gusot.

Pero imbes na kausapin ni Janella si Michelle ay nag-post ito sa kanyang Twitter account.

Aniya, “The only time you are gonna hear from me about this PA“issue”. Have a great day, everyone.

“Thank you for your sweet messages, Ireally don’t believe Ihave to defend myself because trial by media is not the appropriate venue for this.

“If you believe in your own lies and Ireally violated something, sue me.

“If you’re gonna twist the story in your desperate attempt to get money from me…sorry, huh 3.6k is small and Iwould gladly give it to someone who deserves it. Not worth my time.”

Maraming pumuna kay Janella dahil hindi naman daw malaki ang halaga bakit hindi na lang ibinigay sa PAniya na nangangailangan ngayon dahil nawalan ng trabaho sa panahon ng COVID-19 pandemic.

To the rescue naman ang boyfriend ni Janella na si Marcus Patterson dahil nag-tweet siya nitong Miyerkoles ng gabi na kahit hindi niya pinangalanan ang PAna si Michelle ay halatang ito ang pinatutungkulan.

“If that employee was fired halfway through the month, does that employee have the right to ask for his/her sweldo for the full month?

“It doesn’t matter how much money you have, if you’re smart, the money you spend should be worth it. Let’s say for example, if a company hires an employee and that employee doesn’t work or do his/her job, syempre mawawalan sya ng trabaho.

“Sa totoo lang, social media nowadays is so toxic with people trying to get the latest gossip in other people’s lives. Look at the year the world has had. Look at the year this country has had. We have bigger issues to be working on. Let’s start with ya’ll attitude.”

-REGGEE BONOAN