MOSCOW (Reuters) - Inaprubahan ng Russia ang bagong antiviral drug na Coronavir, para gamutin ang mga pasyente ng COVID-19, sinabi ng developer niton R-Pharm nitong. Miyerkules, sa pagtala ng impeksiyon sa Russia sa 700,000.

Ayon dito, ipinakita ng clinical trial sa mild o medium-level cases na epektibo ang gamot sa pagpil sa replication o pagdami ng bagong coronavirus.

“Coronavir is one of the first drugs in Russia and in the world that does not tackle the complications caused by SARS-CoV-2, but battles the virus itself,” saad sa pahayag ng kumpanya.

Sinabi dito na ipinakita ng clinical study na bumuti ng 55% ang outpatient cases sa ikapitong araw ng gamutan gamit ang Coronavir, laban sa 20% ng mga may kasamang standard etiotropic therapy - ibig sabihin ay paggamot sa sanhi sa halip na mga sintoma. Sinabi ng R-Pharm na mayroon ding significant difference sa loob ng 14 na araw.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Pagsapit ng ikalimang araw, napuksa na ang novel coronavirus sa 77.5% ng mga pasyente na binigyan ng gamot, sinabi ng R-Pharm.

“Global clinical practice and the clinical study we conducted have confirmed that Coronavir puts a much more rapid stop to the infection as a result of its effective obstruction of the virus’s replication,” sinabi ni Mikhail Samsonov, R-Pharm’s medical director.

Nagsimula ang testing noong Mayo at mahigit 110 outpatients na ang tumamggap ng treatment, sinabi ng pinuno ng clinical trials sa Russia’s Central Research Institute of Epidemiology, na si Tatyana Ryzhentsova.

Ang gamot ng ikatlong nakarehistro sa Russia para lunasan ang novel coronavirus. Ang una ay ang Avifavir, na ibinigay sa mga pasyente simula Hunyo 11.