Isa na namang doktor sa lungsod ng Maynila ang nagbuwis ng buhay dahil sa pakikipagtunggali sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Puno ng kalungkutang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagkamatay ni Dr. Reino “Nong” Palacpac, isang pediatrician na nakabase sa Justice Jose Abad Santos General Hospital.

Ayon kay Moreno, isang bayani si Palacpac dahil pinili nitong tumulong sa pagliligtas ng buhay ng mga pasyente, kahit batid nitong maaari siyang magbuwis ng buhay.

Nabatid na si Palacpac ay mahal na mahal ng kanyang mga kasamahan sa pagamutan at dedikadong medical frontliner bago namatay sa coronavirus.

Probinsya

Binatilyong hiniwalayan umano ng jowa, nagpatiwakal!

Kaugnay nito, nanawagan naman si Moreno sa lahat ng medical frontliner na lalo pang pag-ingatan ang kanilang sarili at gayundin sa residente ng lungsod.

Paalala niya, dapat na gawin ng mga residente ang kanilang ambag sa pamamagitan ng pagsunod sa itinakdang health protocols, dahil kung kaunti aniya ang maoospital ay kakaunti rin lamang ang magiging exposure ng medical workers sa virus.

Nag-alok din ang alkalde ng tulong sa mga naulilang miyembro ng pamilya ng nasawing doktor sa pamamagitan ng kautusang mabilisang mailabas ang P1 milyong ‘Bagong Bayani Endowment Benefit Fund of 2020.’

Ang benefit grant na ito ay nakapaloob sa Ordinance 8639, na nagkakaloob din sa mga anak ng naulila ng nasawing health worker ng scholarship alinman sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) o Universidad de Manila (UdM).

“We know that no amount of financial assistance can make things bearable for the family but we hope this simple token of the city’s love and appreciation for our doctor’s heroism and dedication to duty can somehow help,” sabi ni Moreno.

“You have no idea how sad this development makes us feel but we have to go on because the sick people rely on us and our fallen heroes, I’m sure, would want all of us to continue helping those who need medical attention,” mensahe pa ng alkalde sa mga medical frontliner.

Sa ilalim ng nabanggit na ordinansa ang mga sumusunod ang siya qualified bilang beneficiaries: “if married, the surviving spouse and children, whether legitimate or illegitimate, if any; if single, the surviving parent/s, or in their absence, the nearest ascendants; in the absence of the latter, then the nearest descendants, and in their absence, the surviving siblings and if unmarried but has a common law partner, 30 percent of the benefit shall accrue to the latter and the remaining 70 percent to the children, whether legitimate or illegitimate.”

-Mary Ann Santiago