Nalampasan na ng bilang ng mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang initial bed allocation na inilaan ng Philippine General Hospital (PGH) habang halos puno na rin naman ang coronavirus ward ng San Lazaro Hospital.

Ayon kay PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario, naglaan sila ng 130 beds para sa COVID-19 patients na nalampasan na ngayon ng kanilang COVID-19 patients na umabot na sa 172.

Sa naturang bilang, 145 aniya ang may positive test results, 22 ang suspected carriers at lima ang probable case.

Inamin ni del Rosario na ito na ang pinakamataas na COVID-19 admission na naitala nila matapos na maitalaga ang PGH bilang referral center para sa sakit noong Marso.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Tiniyak naman ni Del Rosario na kahit lampas na ang bilang ng pasyente kumpara sa kanilang allocated beds ay na-accommodate pa rin nila ang mga ito, gamit ang kanilang “buffer beds” sa mga non-COVID-19 wards.

Siniguro rin ni Del Rosario na tiniyak nilang tama ang pagkaka-arrange ng mga pasyente para hindi maghahalo ang mga COVID at non-COVID patients.

Kaugnay nito, nagpahayag rin ng paniniwala si Del Rosario na ang pagtaas ng patient admission ay dahil sa pagtaas ng testing capacity ng Pilipinas at pagluwag na ng ipinatutupad na lockdowns.

Iniulat rin naman ni Del Rosario na hanggang nitong Huwebes ay mayroon na lamang tatlo hanggang apat na bakanteng bed sa kanilang intensive care unit (ICU).

Tatanggap na lamang rin aniya sila ng mga COVID-19 patients na may moderate at malalang sintomas ng karamdaman.

As much as possible, we have to accommodate them... Kawawa din ang pasyente kung ipalipat-lipat natin,” ayon pa sa opisyal.

-Mary Ann Santiago