Lagpas 12 milyon na ang bilang ng mga kaso ng coronavirus sa buong mundo nitong Miyerkules, ayon sa Reuters tally, habang lumalakas ang ebidensiya ng airborne na pagkalat ng sakit na pumatay mahigit kalahating milyong katao sa loob lamang ng pitong buwan.

Ang bilang ng mga kaso ay triple kaysa sa malalang influenza illnesses na naitala taun-taon, ayon World Health Organization.

Karamihan ng mga bansa na pinakamatinding tinamaan ay niluluwagan na ang lockdowns na ipinatupad para mapabagal ang pagkalat ng bagong virus, habang ang iba tulad ng China at Australia, ay nagpatupad ng isa pang round of shutdowns bilang tugon sa muling pagdami ng infections. Sinabi ng mga eksperto na ang mga pagbabago sa trabaho at social life ay maaaring tumagal hanggang sa magkaroon ng bakuna.

Ang unang kaso ay iniulat sa China noong unang bahagi ng Enero at inabot ng 149 na araw para pumalo sa 6 milyong kaso. Inabot naman ng 39 araw lamang para madoble ang mga kaso sa 12 milyon, ipinalita sa tally.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Mayroon nang mahigit 546,000 namatay sa virus, na halos pareho ng bilang ng namamatay sa influenza bawat taon sa buong mundo.

Ang unang namatay sa sakit ay iniulat nitong Enero 10 sa Wuhan, China bago tumaas ang mga impeksiyon at pagkamatay sa Europe at kalaunan sa United States.

Reuters