Disappointedang ilang fans ni Bela Padilla nang malamang kasama siya sa grupo nina director Joyce Bernal at Piolo Pascual na umakyat ng Sagada para mag-shoot sana ng video na gagamitin sa SONA ni President Rodrigo Duterte.

bela

Kaagad na inakusahang “maka-DDS” si Bela kaya may mga nag-unfollow sa aktres sa social media. Hindi raw nila akalaing maka-DSS at supporter ng Pangulo si Bela lalo na at ang network niya ngayon na ABS-CBN ay hindi pa malinaw kung mare-renew ang franchise.

Pareho raw sina Piolo at Bela na inuna ang pagsuporta sa pangulo kaysa isiping kaya napasara ang ABS-CBN ay dahil sa Duterte government. In fairness, hindi na sinasagot ni Bela ang mga nega comments ng kanyang followers sa Twitter para siguro wala ng gulo.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Nakakalungkot lang dahil hindi maihiwalay ng ibang supporters ni Bela na trabaho lang sana ang gagawin niya dahil inaway-away na siya ng kanyang supporters.

Hindi pala pinatuloy sina direk Joyce at Piolo sa Sagada at sa Banaue kaya sa Baguio na lang sila nagpunta. Nagtataka lang kami na walang litrato sina Bela at Illac Diaz na kasama rin sa grupo nina direk Joyce at Piolo.

—Nitz Miralles