LEVEL-UP na talaga ang relasyon ng Kapamilya stars na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Sa guesting kamakailan ni Ronnie sa ABS-CBN online show na I Feel U, umamin ang aktor na tunay na estado ng kanilang relasyon.
“Oo, lagi naman, lagi ko naman sinasabi sa kanya iyon na nararamdaman ko iyon(pagpapakasal),” pagbabahagi ni Ronnie.
Ayon pa kay Ronnie bata pa si Loisa at alam daw niyang malalayo pa ang mararating ng girlfriend sa showbiz subali’t sumasagi rin daw sa isip ng binata ang kanilang future, ang pagbuo ng isang pamilya.
“Siyempre, kami, na parang alam naman ho namin na madami na naman pagsusubok na pagdadaanan.
“Hindi ganoon kahaba relasyon namin, pero alam naman po namin sa isa’t isa na kaya ko po sa kanyang ipinapaalala araw-araw,’Uy, pagdating isang araw...’ magkasama na kami sa isang bahay, papakasal na kami. Excited na ako sa mga puwede mangyari sa aming dalawa,” ayon pa sa aktor.
Samantala, nilinaw naman ni Loisa ang issue tungkol sa pagli-live-in nila, matapos ngang mapansin ng mga fans ang post nitong nakaraang buwan ni Ronnie, kung saan makikita sa photo na magkasama ang dalawa na naglalakad patungo sa isang bahay.
Ayon sa aktres, hindi naman umano magkalayo ang kanilang bahay.
“Kasi, kami ni Ronnie, parang magkapitbahay na kasi kami, e.Laguna(siya),’tapos Cavite(ako). Kumbaga, isang exit...
“Kumbaga, parang ganoon lang namin kamahal ang isa’t isa, na lagi kami magkasama, na akala nila mag-live in kami kasi lagi kami magkasama,” paglilinaw pa ng aktres.
-ADOR V. SALUTA