HINDI na idedemanda ni Sharon Cuneta ang dating kaibigang publicist na si Ronald Carballo pagkatapos siyang sabihan ng masasakit at malisyosong mga salita.

sharon frankie

Matatandaang nagtampo si Ronald kay Sharon at kung anu-anong paninira ang pinagsasabi pero pagkalipas ng 24 Oras ay kaagad ding binura ng una ang post niya sa kanyang Facebook page.

At kasabay nito ang paghingi niya ng tawag at nagsusumamong nadala lang daw si Ronald ng tampong namuo sa puso niya dahil pakiramdam niya ay hindi na siya natatandaan ni Sharon na minahal niya ng mahabang panahon noong baguhan palang sa showbiz.

Nitong Linggo ng gabi ay pinost ni Sharon ang kanyang mga pahayag tungkol kay Ronald sa kanyang Sharon Cuneta Network na may 99.3k subscribers sa YouTube.

Tsika at Intriga

Banat ni Anne Curtis: 'Any leader who cannot respect women does not understand leadership at all!'

Ayon sa Megastar ay naisip niyang may pinagsamahan sila ni Ronald kaya pinatawad na niya bilang Kristiyano at sana maging silbing aral ito sa huli.

“Ronald Carballo has written so many vile things about me for almost 20 years, 15, 20 years. Thank you for your letter of apology kahit dinelete mo ‘yun.

“I read it. It was shared so many times. I even shared it. I appreciate that. And that’s enough for me.

“You claimed to be a Christian but you did not act like one. I am a Christian and though it’s hard for me, I try to obey. Because of that, I forgive you. I will try my best to forget.

“But one thing I will not do is sue you. Hindi kita idedemanda Ronald. Dahil may pinagsamahan naman tayo. At sana, gawin mo itong pagkakataon para magbago, bumalik sa Panginoon, at gamitin ang talento mo sa pagsulat sa mabuti.

“That’s all I have to say. Please use this chance and learn from this lesson. That is the Christian way.”

Samantala, nabanggit din ni Sharon ang ibang isyu ng panganay nila ni Senator Kiko Pangilinan na si Frankie na ginawan ng malisya ng netizen na nangangalang Sonny Alcos.

Aniya, “Yung kay Sonny Alcos, si Frankie ang magpa-file nu’n kapag nag-decide siya. Hindi ako, because she’s an adult and that’s her choice,”

-REGGEE BONOAN