NASULAT kamakailan na lilipat si Julia Montes sa sa GMA 7 dahil nga wala na siyang project sa ABS-CBN sanhi ng kinakaharap na problema ngayon ng network sa prangkisa.

Bukod dito ay nahinto na rin ang taping ng 24/7, ang weekly series ni Julia kasama si Arjo Atayde.

Kaya tinanong namin ang handler ni Julia na si Mac Merla ng Cornerstone Entertainment kung may plano silang ilipat ang aktres sa GMA 7.

“Hi Reg, buti pa sila alam nila. Ako kausap ko lang si Julia kani-kanina lang wala kaming kaalam-alam. Wala din kami napapag-usapan sa paglipat. Salamat sa diretsong pagtatanong sa akin.,” sagot sa amin.

At tungkol sa 24/7 kung tuloy pa o shelved na, “Hindi ko lang sure if shelved na talaga. Ang alam ko postponed muna ang taping.”

Tsika at Intriga

Sofia Trazona sa bagong post ni Alvin Aragon: 'Ang dumi mag-isip ah walang respeto sa babae!'

Oo nga naman, paano itutuloy ang taping kung hindi naman sure kung paano ito ipalalabas dahil nga hindi pa alam kung mare-renew ang prangkisa ng Kapamilya network.

Tanda namin noong naka-tsikahan namin ang Presidente at CEO ng Cornerstone na si Erickson Raymundo ay nabanggit niyang mananatili ang mga alaga niya sa ABS-CBN. So far ay wala sa isipan niya ang tungkol sa paglipat.

Kaya klaro, hindi lilipat si Julia sa GMA.

-Reggee Bonoan