INI-ENJOY na ni Kapuso actor Gabby Concepcion ang pamumuhay sa kanyang Amang Lobo Homestead sa Lobo, Batangas. Ilang buwan na rin siyang doon naninirahan dahil doon na siya inabutan ng quarantine lockdown dulot ng COVID-19 pandemic. Doon na muna kasi siya nag-stay since hindi pa sila nagsisimulang mag-taping ng bago nilang family drama na #First Yaya ni Marian Rivera sa GMA Network.

gabby

Bukod sa pagtatanim sa kanyang farm, natuto na rin siyang magluto ng iba’t ibang putaheng Batanguenyo, mula sa mga isdang nahuhuli roon, na ipinu-post niya sa kanyang vlog. Hindi lamang iyon, sumasama siya sa mga mangingisda na naging kaibigan na niya. Madalas daw siyang mag-sunset fishing. May post pa siya na mas marami raw silang nahuhuling isda kung walang buwan, dahil mas lumalapit daw ang mga isda kapag ang nakikita nila ay ang mga ilaw mula sa mga bangka ng mga mangingisda.

Pumupunta ng Manila si Gabby kapag may promo siya ng Beautederm na isa siya sa mga endorsers ng mga products ni Ms. Rhea Tan. Kaya kahit naka-lockdown, hindi pa rin nawawalan ng income si Gabby, at nagagamit niya ito para patuloy siyang magbigay ng ayuda sa mga kababayan niya sa Lobo, Batangas, na personal niyang dini-distribute sa kanila.

Sa ngayon ay patuloy pa ring napapanood si Gabby dahil tuluy-tuloy ang replay ng top-rating afternoon prime drama nila noon nina Sunshine Dizon at Ryza Cenon, ang Ika-6 na Utos na dinirek ni Laurice Guillen, after ng Eat Bulaga.

Tsika at Intriga

Kakai sa di kakain ng karne pero pumapatol sa may asawa: 'Maggulay ka na lang bhie!'

-NORA V. CALDERON