“WALA namang offer?” ito ang maiksing sagot ng manager ni Daryl Ong sa tanong namin kung lilipat na ang singer sa GMA 7 na base sa pinost nitong litratong kuha sa teamlab Planets Tokyo, Japan.

Makulay kasi ang background ng litrato ni Daryl na pinost niya nitong Sabado kaya ang nilagay niyang caption ay, “Makulay ang Buhay.”

Binigyan kaagad ito ng interpretasyon ng follower’s ng singer na lilipat na nga siya sa GMA dahil ito ang tagline nila at umabot sa 6,831k likes.

Nabanggit ding walang dahilan na gamiting ‘lilipat’ si Daryl sa Kapuso network dahil unang-una ay wala na siyang kontrata sa ABS-CBN pero dahil produkto siya ng The Voice Season 2 (2014) ay ito ang naisip ng lahat na contract star siya.

Matatandaang banned na si Daryl sa Kapamilya network dahil nakapagbitaw siya ng salitang base sa ipinaglalabang prangkisa ngayon ng ABS-CBN na ayon sa mang-aawit ay imposibleng ma-renew sila dahil Presidente ang kalaban at nai-record daw ito.

Ogie Diaz, Aiko Melendez wapakels sa politika ng isa’t isa

Hindi naman ito itinanggi ni Daryl at sa pamamagitan ng kanyang Daryl Ong YouTube channel na may mahigit na one million subscribers at napanood ng halos 1.8M ay ipinaliwanag niya ang buong senaryo kasabay ng pasasalamat at paghingi ng tawad sa mga nasabi niya na hindi sadya.

Samantala, muling nag-post si Daryl ng pulang pusong kulay itim ang background Linggo ng hatinggabi at ang caption ay, “Extending prayers for friends, former co-workers/co-artists in ABS-CBN. my journey with them may have ended but my friendship and love for them will always be here with me. I pray and hope for nothing but the best for everyone especially in this time of pandemic. God bless us all.”

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang resulta kung ano ang resulta sa botohan ng mga kongresista tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

-Reggee Bonoan