NASA mabuting kamay ang pro boxing career ni Eumir Felix Marcial.

Ipinahayag ng 2020 Asia and Oceanic Boxing Olympic Qualification Tournament gold medalist na si Marcial na pangangasiwaan ng MP Promotion ni Senator at boxing icon Manny Pacquiao ang kanyang career sa pro ranks.

 IBINIDA ni Marcial ang sertipiko ng pagpapatunay na kabilang siya sa ‘elite athletes’ na sasabak sa boxing event ng 2020 Tokyo Olympics.

IBINIDA ni Marcial ang sertipiko ng pagpapatunay na kabilang siya sa ‘elite athletes’ na sasabak sa boxing event ng 2020 Tokyo Olympics.

"Nagkausap na din po kami ni Senator Manny Pacquiao and sabi niya nga po "sa MP ka na at ako ang bahala. Ako ang mangangalaga sa'yo" yun po ang sabi niya kaya nagpapasalamat po ako sa kanya," kuwento ng 25-anyos na Marcial sa Sports Lockdown nitong weekend.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon sa kanya, naging malaking impluwensiya sa kanyang tagumpay ngayon ang kanyang ama at si Pacquiao na nagbigay din ng mga mahahalagang payo sa kanyang pagsasanay.

"Basta ang lagi ko lang pong inilalagay sa isip ko ay 'yung payo sa akin ni Senator na  anuman daw po ang maabot na tagumpay ay laging mapagkumbaba lang tayo. Huwag daw po tayong maging loro o parrot na putak ng putak, instead maging Agila tayo na malalim dumagit at mataas lumipad," ani Marcial.

Gayunman siniguro pa rin ni Marcial na priyoridad niya ang paghahanda para sa pagsabak sa 2021 Tokyo Olympics, gayung ito ang pangarap na matagal na niyang nais na matupad at handog niya sa kanyang ama.

"Everytime pinag-uusapan po ang tungkol sa Olympics naiiyak po ako. Ito po ang pangarap ng Tatay ko para sa akin. Kaya lahat po ng hirap at sakripisyo nabayaran po lahat 'yun nung oras na makapasok ako sa Olympics. Kaya priority ko po na paghandaan 'yung game na 'yun," ayon pa rin sa tubong Zamboanga na si Marcial.

Malaki din ang pasasalamat niya sa ABAP na kasalukuyang tumutulong sa kanya at sa PSC at MVP foundation. Si Marcial ay naging pambato ng bansa sa 2015, 2017 at 2019 SEA Games kung saan siya nagwagi ng gintong medalya.   ANNIE ABAD