WASHINGTON (AP) — Sa araw na nakalaan para sa pagkakaisa at pagdiriwang, sumumpa si President Donald Trump na papangalaan ang “values” ng bansa mula sa mga kalaban sa loob — mga makakaliwa, magnanakaw at manunulsol, aniya — sa kanyang talumpati sa Fourth of July.

US President Donald Trump (AP Photo/Evan Vucci)

US President Donald Trump (AP Photo/Evan Vucci)

Pinanood ni Trump ang pagpapasiklab ng paratroopers sa bilang tribute sa America, binati ang kanyang audience na binibuo ng front-line medical workers at iba pang mahalaga sa pagreresponde sa pandemya ng coronavirus, at binira ang mga nag-“slander” sa kanya at nagsalaula sa nakaraan ng bansa.

“We are now in the process of defeating the radical left, the anarchists, the agitators, the looters, and the people who, in many instances, have absolutely no clue what they are doing,” aniya. “We will never allow an angry mob to tear down our statues, erase our history, indoctrinate our children.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“And we will defend, protect and preserve (the) American way of life, which began in 1492 when Columbus discovered America.”

Hindi niya binanggit ang mga namatay sa pandemya. Halos 130,000 ang naitalang pumanaw sa COVID-19 sa U.S.

Kahit na nakiusap ang mga opisyal sa buong bansa sa Americans na iwasan muna ang malalaking pagtitipon para sa Fourth of July, hinikayat ni Trump ang madla sa isang “special evening” ng tribute at fireworks.

Ngunit manipis ang bilang ng mga taong nagtungo sa National Mall para sa air show at fireworks para sa gabi kumpara sa siksikang selebrasyon sa Mall noong nakaraang taon.