TALAVERA, Nueva Ecija – Nanawagan ang mga health at municipal official sa bayang ito na huwag mag-panic kaugnay ng pagkamatay ng isang 63-anyos na lalaki na tinamaan ng corona virus disease 2019 (COVID-19) sa Barangay Marcos sa nasabing bayan, kamakailan.

Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng nasabing “Patient 76” na kabilang sa mga nagpositibo sa naturang virus sa lalawigan.

Inihayag naman ni Talavera Mayor Nerivi Santos-Martinez, sinundo na umano ng mga kaanak si “Patient 76” sa Metro Manila at isinakay sa isang private vehicle noong Hunyo 4 at nakauwi sa naturang bayan dahil na rin sa ipinatutupad na

General Community Quarantine (GCQ).

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Na-admit sa isang ospital sa Cabanatuan City ang pasyente noong Hunyo 29 hanggang sa bawian ng buhay noong Hulyo 2.

Light A. Nolasco