IDINAAN sa Twitter nitong Linggo ni American rapper Kanye West, kilalang supporter ni U.S. President Donald Trump, ang pag-anunsiyo ng kanyang pagtakbo bilang president sa darating na US presidential election.

kanye

“We must now realize the promise of America by trusting God, unifying our vision and building our future. I am running for president of the United States,” pagbabahagi ni Kanye sa isang Twitter post, kasama ng American flag emoji at hashtag “#2020VISION”.

Hindi naman malinaw kung seryoso ang kanyang pagtakbo na inunsiyo apat na buwan bago ang November 3 election o kung naghain na ito ng kanyang opisyal na kandidatura.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Dati nang binisita ng singer at ng asawa nitong si Kim Kardashian si Trump sa White House.

Samantala, isa si Elon Musk, chief executive ng electric-car maker Tesla ang nagpahayg ng suporta kay West.

(Reuters)