Pumuwesto ang bansa sa ika- 53 sa hanay ng 195 bansa sa larangan ng overall readiness sa health security at related capabilities ayon sa 2019 Global Health Security (GHS) Index.
Ipinahayag ito ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Pena sa kanyang weekly report sa Facebook. Ang Global Health Security (GHS) Index ay ang unang comprehensive assessment at benchmarking ng health security at related capabilities sa 195 bansa na bumubuo sa States Parties to the International Health Regulations.
Iprinisinta ito ni DOST- National Research Council of the Philippines (DOST-NCRP) Vice President Dr. Raul Destura sa idinaos na 87th Annual Scientific Meeting ng ahensiya. Si Dr. Destura ang scientist sa likod ng pagdebelop ng unang local production ng COVID-19 test kit sa bansa at isa sa mga eksperto ng bansa sa larangan ng infectious diseases at resource person sa global scenario ng health risks.
Ang 2019 GHS Index ay nagapakita ng nakababahalang average GHS Index score sa lahat ng 195 bansa na in-assessed sa 40.2 ng possible score na 100. Nagresulta ito sa overall findings na ang national health security mahina sa buong mundo. Walang bansa na lubusang handa para sa world’s most omnipresent risks: ang infectious disease outbreaks na maaaring mauwi sa pandaigdigang epidemya at pandemya, at ang bawat bansa ay may mahalagang patlang na dapat tugunan.
Iprinisinta ni Dr. Destura kung saan nakatayo ang Pilipinas sa GHS Scoring sa mga larangan ng anim na kategorya gaya ng prevention; detection and reporting; rapid response; health system; compliance with international norms; at risk environment.
Ang overall readiness rating ng Pilipinas ay: 47.6 porsiyento o ika-53 sa 195 na mga bansa.
-DHEL NAZARIO