Ipauubaya na lamang ng Malacañang sa Supreme Court ang (SC) usapin kaugnay nang iniharap na petisyon laban sa bagong pirmang Anti-Terror Law.

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, irerespeto ng Malacañang ang anumang magiging desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng nasabing usapin.

Reaksyon ito ni Roque nang kontrahin ng ilang grupo sa kataas-taasang hukuman ang nasabing batas dahil umano sa paglabag nito sa Konstitusyon.

Hindi na nagkomento pa ni Roque kaugnay ng petisyon at sinabi na lamang nito na bahala na ang SC sa anumang magging desisyon nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

”Will allow court to decide. Can’t comment because of subjudice rule,” aniya.

Nitong Sabado, naghain ang grupo ng mga abugado sa pangunguna ni Howard Calleja, at iba pang De La Salle brothers na pinangunahan ni dating Education Secretary Brother Armin Luistro, at isang civic group, ng apela sa SC upang makapagpalabas ito ng temporary restraining order laban sa nasabing batas.

“While threats to our national security need to be addressed, the law, as crafted, is oppressive and inconsistent with our constitution, hence, the petition,” ang bahagi ng Facebook post ng Calleja Law Firm.

“This fight against terrorism should not and should never be a threat to the fundamental freedoms of all peaceful Filipinos,” paliwanag pa ng grupo.

Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11479 *(Anti-Terrorism Law) nitong Biyernes sa kabila ng matinding panawagan na ibasura ito dahil sa unconstitutional provisions nito dahil sa paglabag nito sa human rights at aabusuhin lamang ito.

Nauna nang inilarawan ni Roque na isang “crime against humanity” ang terorismo na nangangailangan ng comprehensive approach upang masugpo ito.

“The signing of the aforesaid law demonstrates our serious commitment to stamp out terrorism, which has long plagued the country and has caused unimaginable grief and horror to many of our people,” pahayag pa nito.

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS