Ipinanukala ni Deputy Speaker at Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte ang paglikha ng Medical Reserve Corps para palakasin ang human health resources ng bansa sa panahon ng mga kalamidad at health emergencies.

Inihain niya ang House Bill No. 7007 o ang panukalang “Medical Reserve Corps Act of 2020” bilang tugon sa kakulangan ng medical personnel, na ayon sa kanya, ay isang pangunahing “weakness” sa paglaban ng gobyerno kontra COVID-19 pandemic.

“The bill proposes to establish a Medical Reserve Corps which shall be composed of all persons who have degrees in the field of medicine, nursing, medical technology, and other health-related fields, but have yet to have their respective licenses to practice,” sinabi ni Villafuerte sa explanatory note ng panukala.

“A medical reserve force specifically trained to supplement the existing human health resources will ease the burden in our healthcare system,” aniya.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

-Charissa M. Luci-Atienza