Napipintong magpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo pagkatapos ng ilang linggong oil price hike.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bumaba ng 70 hanggang 80 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina, 30-40 sentimos sa kerosene at inaasahang walang paggalaw naman sa presyo ng diesel.

Ang nagbabadyang bawas-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaan na siyam na sunod na linggong oil price hike ang ipinatupad ng mga kumpanya ng langis simula noong Mayo 5, 2020 hanggang nitong Hunyo 30 kung saan umabot na sa mahigit P10 ang itinaas ng presyo sa gasolina, halos P9 sa kerosene at higit P8 naman sa diesel.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

-Bella Gamotea