Pinaghahandaan na ng mga pari ng Simbahang Katolika ang muling pagbabalik sa mga simbahan ng mga mananampalataya simula ngayong Hulyo 10.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, puspusan na ang preparasyon nila upang tumanggap ng mga mananampalataya na 10-porsiyento ng kapasidad ng kanilang mga simbahan.

Pinasalamatan at pinuri rin ni Pabillo ang desisyon ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) na pahintulutan na ang pagdalo ng 10-porsyento ng kapasidad ng mga Simbahan sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

“So it’s a good development at ang mga kaparian natin ay naghahanda na para sa July 10 ay maka-accommodate na sila ng 10-percent ng capacity ng Simbahan, so it’s a good development congratulations sa IATF na nakita nila ang kahalagahan noon,” ani Pabillo, sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Probinsya

Binatilyong hiniwalayan umano ng jowa, nagpatiwakal!

Binigyang-diin ni Pabillo, ipaiiral pa rin nila ang physical distancing para na rin sa proteksyon ng mga mananampalataya.

-Mary Ann Santiago