Sapagtaya ng pamunuan ng Light Rail Transit 2 (LRT-2) ay posibleng umabot sa P97 milyon ang magiging lugi nila ngayong taong 2020 dahil sabtatlong buwang transportation ban na ipinatupad ng pamahalaan kaugnay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at kasalukuyan pang paglilimita sa bilang ng naisasakay nilang mga pasahero.

“Kung tama ‘yung naalala kong factor, ang malulugi sa amin magmula nung nag-COVID tayo hanggang end of the year halos mga P97 million ‘yung ating malulugi, ‘yung tinatawag nating revenue loss na masa-suffer namin because napakalimitado ‘yung ating magiging pasahero,” pahayag ni Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesperson Atty. Hernando Cabrera, sa isang panayam sa radyo.

Ayon kay Cabrera, mula sa dating maximum capacity ng tren ng LRT-2 na halos 1,600, ay nasa 160 pasahero na lamang ang naisasakay ng bawat tren nila ngayon, upang masiguro na naipapatupad ng social distancing at maiiwasan ang hawahan ng virus sa mga pasahero.

Ang nasabing bilang aniya ay wala pang 10 porsiyento ng kapasidad ng kanilang mga tren.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Dahil aniya sa lugi nilang ito, kakailanganin ng LRTA na manghiram ng karagdagang pondo mula sa national government para masustentuhan ang kanilango operasyon.

“Kung kukwentahin natin [ay] talagang hindi kakayanin. Kaya lang ang ginagawa natin ngayon talagang manghihingi tayo ng additional funding, manggagaling sa gobyerno natin... at ‘yung tinatawag nating subsidy,” aniya pa. “Talagang kailangan natin humingi ng subsidy para tuloy-tuloy ang ating operasyon. Actually ang objective naman talaga natin tuloy-tuloy no?”

Matatandaang ang LRT-2, nagdudugtong sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila at Santolan, Pasig City, ay nakakabiyahe lamang mula sa Maynila hanggang Cubao, Quezon City matapos na masunog ang power rectifier nito sa Katipunan Station noong Oktubre 2019.

Nananatili pa ring tigil ang operasyon ng mga istasyon ng LRT-2 sa Santolan, Katipunan, at Anonas ngunit target umano nilang maibalik ang operasyon ng mga ito bago matapos ang taong ito.

“The moment na ma-award ‘yung kontrata para ma-repair ‘yung tinatawag nating power supply system sa tatlong stasyon na yon- objective namin kasi within next week ma-award ito... we have three months para maisagawa,” aniya pa.

-Mary Ann Santiago