NGAYONG Lunes na pagbobotohan ng mga miyembro ng Kongreso kung bibigyan ng franchise renewal ang ABS-CBN o hindi. Nanawagan ang Kapamilya stars sa Kongreso na bigyan ng franchise ang network at ang isa ngang panawagan ng mga talents ng network ay “ABS-CBN Deserves A Franchise.”

judy ann

Sa kaso ni Judy Ann Santos, hindi lang niya pinost ang hashtag na #ABSCBNDESERVES A FRANCHISE, may maganda rin siyang panawagan sa mga kinauukulan.

Post ni Juday: “Naniniwala po ako... na ang bawat tao o kumpanya ay pwedeng mapagbigyan ng pangalawang pagkakataon, para maitama ang mga mali... tanging dasal na lang ang kinakapitan naming lahat.. hindi na para lang sa aming mga artista... kundi para sa pamilya ng mga empleyadong nawalan ng trabaho.. para sa mga nangangailangan ng mga impormasyon sa mga malalayong lugar.. para sa ekonomiya natin na patuloy ang pagbagsak dahil sa pandemya.. sana po, sa pagkakataong ito.. mapairal natin ang puso at mga isip natin sa kasalukuyang pinagdadaanan natin... pare pareho naman po tayong mga Pilipino.. pareho tayong lahat ng pinagdadaanan.. bakit hindi po tayo magtulungan...?

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Sa netizen na nag-comment na pwedeng mangyari ang hinihingi ni Judy Ann kung simpleng violation lang ang nagawa ng ABS-CBN. Pero, kung nanood daw si Judy Ann sa hearing, malalamang maraming violation ang nagawa ng network.

Sagot ni Judy Ann, “kaya po humihingi ng pangalawang pagkakataon.. para maitama ang mga pagkakamaling ginawa.

Sinagot din ni Judy Ann ang nag-comment na buong mundo bagsak ang ekonomiya, hindi lang sa Pilipinas. “Oo tama ka naman... pero sa pilipinas kasi ako ipinanganak at lumaki... at sa pangkasalukuyan dito ko sa pilipinas nararanasan at nararamdaman ang hirap.. wala akong boses para sa buong mundo.. pero ang dasal ko.. para sa buong mundo na malagpasan ng lahat ang pinagdadaanan natin ngayon.”

-NITZ MIRALLES