Pinayuhan ni Sen. Lawrence Go ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan na mahigpit na ipatupad ang health and safety protocols sa libo-libong locally stranded (LSI) individuals na balak umuwi sa kani-kanilang mga lalawigan.

Ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Health, kailangang magawa ito sa tama at ligtas na pamamaraanat mabigyan din ng sapat na proteksiyon ang mga komunidad laban sa COVID-19.

“Nais ko ipaalala sa lahat na hindi natin pwedeng ipagkait ang karapatan ng mga Pilipino na makauwi sa sarili nilang bayan. Sabi rin mismo ni Pangulong Duterte, ‘mga Pilipino ito, mga kababayan natin. Tanggapin ninyo. Whatever you need, we will provide. Kawawa naman. Tulungan ninyo ang mga Pilipino. Gawin lang po ito sa ligtas at tamang paraan. Sundin palagi ang health and safety protocols, at siguraduhin na maprotektahan ang mga komunidad na kanilang uuwian,” ani Go.

Libo-libong mga LSI ang nagtungo sa Rizal Park sa Manila nitong Sabado para sumailalim sa rapid anti-body test na isinagawa ng Department of Health, Philippine National Police Health Service. Registrants.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nauna ng hiniling ni Go sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na makipag-ugyanay sa mga local government units at pangasiwaan ang mga dokumento ng mga LSI pauwi sa kanilang mga lugar.

Nitong Sabado umabot sa 3,000 LSI ang umuwi sa Mindanao. Ang mga naiwan ay pansamantalang nanunuluyan sa Philippine Army gym habang sumailalaim sa 14-araw na quarantine.

-Leonel M. Abasola