Isang lalaking Indian ang nagbayad ng halos $4,000 para sa pinasadya niyang gintong face mask para protektahan siya laban sa coronavirus.

Kurhade (AFP)

Kurhade (AFP)

Ang mamahaling metal na pantakip sa mukha ay may bigat na 60 gramo at inabot ng walong araw ang paggawa, sinabi ng negosyanteng si Shankar Kurhade, mula sa western city ng Pune.

“It is a thin mask and has tiny pores that is helping me to breathe,” ani Shankar sa AFP.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“I am not sure if it will be effective sancto protect me from a coronavirus infection but I am taking other precautions,” dugtong niya.

Sinabi ni Kurhade, 49-anyos, na nakuha niya ang ideya ng gintong face mask matapos makita ang ulat sa media tungkol sa isang lalaki na nagsusuot ng isang gawa sa pilak.

“People are asking me for selfies,” aniya.

“They are awestruck when they see me wearing the gold mask in markets.”

Mandatory ang face masks sa mga pampublikong lugar sa India para maiwasan ang pagkalat ng virus sa bansa, na mayroon nang 650,000 kumpirmadong kaso at mahigit 18,600 na ang namatay.

— AFP