TOKYO (AP) — Pinahirap ng baha at mga panganib ng mas maraming mudslides na ikinamatay ng halos 20 katao ang search and rescue operations nitong Linggo sa katimugan ng Japan, kabilang sa isang elderly home facilities kung saan mahigit isandosena ang namatay at marami pa ang nawawala.
Nasagip ng rescue helicopters ang mas maraming tao mula sa kanilang mga bahay sabKumamoto region. Umaabot sa 10,000 defense troops, kabilang ang coast guard at fire brigades ang nakikibahagi sa operasyon.
Inilubog ng baha ang maraming lugar malapit sa Kuma River.
Sa isang binahang elderly care home sa Kuma Village, 14 residente ang ipinapalagay na patay na nang marating sila ng rescuers nitong Sabado, sinabi ng mga opisyal. Tatlong iba pa ang may hypothermia.
Nagpatuloy ang rescue kahapon para sa dose-dosena pang residente at caregivers na nasa riverside care facility na Senjuen, kung saan 60 katap ang nakulog sa baha at pag-agos ng putik, sinabi ng mga opisyal.
Naputol din ang mga linya ng kuryente at komunikasyo dahil sa baha, na lalong nagpahirap sa search and rescue. Halos 6,000 kabahayan sa Kumamoto ang wala pa ring elektrisidad nitong Linggo, ayon sa Kyushu Electric Power Co.