Nagsagawa ang House Committee on Metro Manila Development (CMMD) ng ocular inspection tungkol sa bagong bus lane sa EDSA para masuri ang pagiging maayos at epektibo nito kaugnay sa master plan ng pamahalaan para sa pampublikong transportasyon sa Metro Manila.

Kapag ito’y inilarga na, lahat ng bus na dumaraan sa EDSA ay ookupa sa innermost lane, magkakaroon ng stops o pagtigil sa center island na may passenger access para makarating sa paroroonan sa pamamagitan ng itatayong mga tulay o pedestrian bridges.

Sinabi ni Manila Rep. Manny Lopez, Chairman ng CMMD: “In the early phase of this project where the route is incomplete, bus stops and elevated pedestrian walkways are unfinished, we totally understand the frustration of our countrymen. As this new bus lane becomes fully operational, we expect to see an improvement in the traffic situation in EDSA, but more importantly a reduction in total travel time of our bus riding commuters.”

-Bert de Guzman
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists