NI ANNIE ABAD

NANANATILING matatag, disiplinado at nagkakaisa ang komunidad ng taekwondo sa gitna nang umiiral na quarantine sa buong bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.

LOPEZ

LOPEZ

Wala man ang nakasanayang sparring session at buwanang national youth tournament, kumikilos ang Philippine Taekwondo Association (PTA), sa pangangasiwa ni Grand Master Sung Chon Hong, upang mapanatili ang kahandaan ng mga atleta, higit yaong magtatangkang makasungkit ng Olympic slots sa qualifying meet sa susunod na taon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Just like any other sports, we try to use the internet for virtual tournament and online training to keep our athletes and coaches physically and mentally ready,” pahayag ni Stephen Fernandez, head ng PTA regional affairs, sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports via zoom nitong Huwebes at naipalabas sa livestreaming ng Youtube at Facebook.

Inamin ni Fernandez na malaking dagok sa paghahanda ng mga atleta na sasabak sa qualifying meet ng Tokyo Olympics ang kasalukuyang sitwasyon, ngunit tanging ang katatagan ang nakikitang pag-asa para makaagapay.

Ayon kay Fernandez, maging ang mga coach, trainer and iba pang bahagi ng taekwondo community ay naapektuhan ng pandemic, subalit naiparating ng PTA ang karampatang ayuda sa kanilang mga regional personnel.

“Hindi naman malaking halaga, pero kahit papaano ay nabahagihan namin sila ng tulong,” sambit din ng sports director ng College of St. Benilde sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at PAGCOR.

Sa ngayon, sinabi ni Fernandez na tinitignan ng PTA ang posibilidad na magorganisa ng Speed Kicking Championship upang mapanatiling handa ang mga atleta, kabilang na ang walong SEA Games medalist na isasabak din  sa Olympic qualifying sa susunod na taon.

Sina veteran Pauline Lopez at youthful Kurt Barbosa ang mangunguna sa national Team na nakatakda sanang sumabak sa Wuxi 2019 Taekwondo Grand Slam Championship Series nitong Abril.

“As much as we can, virtual tournament muna kami. Talagang tiis na walang sparring. Regarding this Speed Kicking Championship, it’s a test of character, will and discipline,” pahayag ni Fernandez, two-time Olympian.