NAGKAMIT ng panibagong karangalan si national karateka James delos Santos nang makopo ang world No. 4  sa men's senior individual online kata rankings.

Ang kanyang naitalang golden performance sa Korokotta Cup 2020 e-Kata tournament nitong Lunes na nag-angat sa kanya ng dalawang puwesto mula sa world No. 6 noong nakaraang Mayo.

Nagtala si Delos Santos ng 1855 points sa kanyang mga nakaraang sinalihang torneo performances kabilang na ang Adidas Karate Open World Series 2020 kung saan umabot siya ng quarterfinals.

Dinomina niya si Silvio Cerone-Biagionil ng South Africa,5-0, upang makamit ang gold sa Korokotta Cup, kung saan 18 karatekas mula sa 11 mga bansa ang naglalaban-laban.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Ito na ang ikalawang international gold medal ni Delos Santos kasunod ng panalo nya sa Palestine International Karate Cup noong Abril.

Plano ni Delos Santos na ipagpatulou ang kanyang training para mas lalo pang umangat sa world rankings.

"I strongly believe that training is vital in any sport. But if you have the opportunity to compete, that’s the best way to evaluate your progress and to become better at your sport," ani Delos Santos.

"Lucky for me, there are online tournaments for the category in my sport, karate. I will continue to train and compete," dagdag nito. Marivic Awitan