Ni Edwin Rollon

KAILANGANG maihanda ang mga miyembro ng Team Liyab – physically at mentally – sa kabila ng mahabang panahon na pamamalagi sa kani-kanilang tahanan sa panahon ng community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

ANG Team Liyab ang titimon sa PH Team sa Arena of Valor ng eSports event sa 30th Southeast Asian Games sa Manila.

ANG Team Liyab, kampeon sa  Arena of Valor ng eSports event sa 30th Southeast Asian Games sa Manila.

Ipinahayag ng Team Liyab, ang esports team co-owned ng Globe at Mineski, ang pagkuha kay  Martin Alido bilang bagong Strength and Conditioning coach.

Kahayupan (Pets)

Furbaby na nag-iinarte sa dog food, kinagiliwan

Nakatuon ang programa ni Alido na mapanatili ang malusog na katawan at kaisipan ng mga atleta habang nagsusumikap ang mga ito na magsanay at maghanda sa loob ng bahay.

Hindi maitatangi ang pagsirit ng esports na pandaigdig na merkado sa nakalipas na taon at nitong 2018, umabot sa  6.6 billion ang oras na ginugugol ng mga tagasuporta sa esports. Sa kabila ng kawalan ng face-to-face tournament bunsod ng COVID-19, inaasahang tataas pa ang rating ng eports, higit at nasa ilalim ng community quarantine ang buong mundo. Sa datos ng Per Twitch Tracker, isang  app na nagmo-monitor ng mga nanonood sa gaming live stream platform, halos 56 oras ang nagagamit ng may isang  milyon na streamers.

Kung kaya’t matindi ang pangangailangan ng Team Liyab na mapanatili ang lakas, at katatagan ng mga atleta.

“Unlike traditional sports, esports is largely sedentary. Long hours of sitting may increase the risk of high blood pressure, osteoporosis, depression, and anxiety. Encouraging athletes to be mindful of their health and wellness can help push the team to the top of their esports game,” pahayag ni Alido.

Hindi estranghero sa  aspeto ng physical fitness si Alido. Tumatayo siyang strength and conditioning coach ng Batang Gilas, ang men's national under-17 basketball team.

“Our vision for Team Liyab and the esports industry in general is to be perceived as a truly legitimate sport that requires talent, skills, and passion; as well as physical and mental wellness,” pahayag ni Jil Bausa-Go, Vice President of Content Business Group ng Globe.

“Having Coach Alido onboard is a milestone for us in fulfilling this vision, and making sure that our athletes are safe, healthy and secure amid the ongoing pandemic,” aniya.

Ang Liyab Esports ng Globe at Mineski Global, ay sumasabak sa tatlong laro -- League of Legends, Arena of Valor, at Starcraft II. Kabilang sa mga miyembro ng koponan sina SEA Games 2019 Gold Medalist, Caviar "Enderr" Acampado for Starcraft II, Edrian "DoeDoii" Brancia, Ren "Kanji" Motomitsu, Kim "Rex" Taeyeon (김태연), Kyle "Dawn" Somera, Kim "Mocha" Taegyeom (김태겸) para sa League of Legends.

Ginagabayan sila nina coach Gerald "Tgee" Gelacio, Akarawat "Cabbage" Wangsawat, and SEA Games 2019 National Athletes for Arena of Valor Lawrence "Rubixx" Gatmaitan, Kevin "Gambit" Dizon, at  Miguel "Miggie" Banaag, kasama sina Allen Dean "Don" Viola at Edriane "Zeus" Balbalosa.

Para sa karagdagang impormasyon hingil sa Team Liyab, bisitahin ang   https://www.globe.com.ph/ at Liyab Esports Facebook page.